Asahang makikita ngayon sa kahabaan ng EDSA ang mas marami pang babaeng pulis na katuwang sa pagsasa-ayos ng trapiko.
Ito’y matapos mag-deploy ang PNP highway patrol group ng karagdagang mga babaeng nakapagtapos ng motorcycle riding course para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko sa EDSA.
Umaasa naman si HPG Chief Brig. Gen. Eliseo Cruz na malaki ang maitutulong ng mga babaeng pulis lalo na sa mga sisitahin nitong mga motorista.
Aniya posibleng lumuwag ang kalooban o mawala ang pagod ng mga mahuhuling motorista ng mga babaeng pulis.
Gayunman sinabi ni Cruz na sasamahan pa rin ang mga babaeng pulis ng mga lalaking miyembro nila na deputy o maaring mag isyu ng ticket sa mga lumalabag sa batas.