Nag-landing na ang kauna-unahang eroplano ng Tsina sa nilikha nilang artificial island sa pinag-aagawang South China Sea.
Ayon sa mga foreign observers at analysts, nais ipakita ng China na nakumpleto nila sa itinakdang panahon ang mga pasilidad na nais nilang ilagay sa South China Sea.
Isa rin umano itong indikasyon na mas marami pang military flights ang nakatakdang isagawa ng China sa mga susunod na araw.
Nagbabala ang mga foreign analysts sa posibleng pagsiklab pa ng tensyon sa South China Sea dahil sa pagbale wala ng China sa ibang mga bansa na mayroong claim sa South China Sea.
Una rito, kinumpirma ng Chinese Foreign mInistry ang paglapag ng test flight ng isang civilian plane sa isang artificial island na nilikha nila sa Spratlys.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ng China ang runway sa naturang lugar.
By Len Aguirre