Inaasahang mas marami pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang mapapauwi sa kani-kanilang probinsya sa araw na ito.
Kahapon ay umabot lamang sa mahigit 4,000 OFWs na mahigit isang buwang naka-quarantine sa Metro Manila ang napauwi na sa kani-kanilang lalawigan.
Kalahati lamang ito ng target na 8,000 OFWs na mapapauwi kada araw hanggang sa Miyerkules.
Ayon kay DILG undersecretary Epimaco Densing, nagdagdag na sila ng mga bus at gagamitin na rin ng barko upang mapauwi ang 24,000 OFWs.
Una nang nagbigay ng ultimatum ang Pangulong Rodrigo Duterte sa concerned agencies ng pamahalaan na pauwiin sa loob ng isang linggo ang mga OFWs na nakatapos na ng quarantine at negatibo naman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
First thing in the morning kahapon, nagpadala na po tayo ng mga notices sa ating mga regional offices at mga local chief executives na may mga darating na mga OFWs at doon lang nila mapoproseso. Ngayon may binabanggit sa balik-probinsya iba nang programa ‘yung balik-probinsya kaya hindi ko maintindihan kung ano ‘yung gusto niyang mangyari, pero just the same, pare-pareho po tayo, tanggapin po natin ang mga OFWs, kasi mga PCR-tested negative na po sila, kaya kailangan nang maiuwi,” ani Densing.