Asahan ang mas marami pang pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ang ibinabala ngayon ng Military Central Command ng Estados Unidos matapos aminin ng ISIS na sila ang nasa likod ng serye ng mga pagsabog na gumulantang sa Jakarta, Indonesia.
Ayon sa US, ginagawa ng ISIS ang mga pag-atake sa labas ng Iraq at Syria upang ilihis ang atensyon sa humihina nang puwersa ng grupo sa Gitnang Silangan bunsod ng mga ginagawang operasyon ng US led coalition.
Matatandaang maliban sa Jakarta, ISIS din ang itinurong nasa likod ng mga pambobomba sa Baghdad at Turkey.
By Ralph Obina