Ibinabala ngayon ng mga eksperto mula sa University of Illinois at Chicago ang malaking tiyansa na tamaan ng mga pagbaha ang maraming lugar sa mundo.
Ito ay dulot pa rin ng tumitindi pang global warming na sanhi ng patuloy na pagtaas ng tubig sa mga karagatan.
Ayon sa scientific reports, posibleng umabot sa sampu (10) hanggang dalawampung (20) sentimetro o apat (4) hanggang walong (8) pulgada ang itaaas ng lebel ng tubig sa mga karagatan pagsapit ng 2050.
Kabilang sa mga pangunahing siyudad na direktang maaapektuhan ay Vancouver, Seattle, San Francisco at Los Angeles.
By Ralph Obina