Magbubukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming appointment slots para sa passport application sa Consular Offices at temporary off site passport service.
Inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na magbubukas ang appointment slots sa 36 na consular offices at 20 temporary off site passport service sites hanggang sa buwan ng September 2022.
Layunin nito na magkaroon ng karagdagang slots upang matugunan ang backlog sa passport.
Hinikayat naman ni Dulay ang publiko na agad na mag-apply dahil ngayong buwan pa lang ay available na ang slots.