Higit na mas maraming kababaihang Filipino ang nakapag-aral sa highschool at kolehiyo kumpara sa mga kalalakihan.
Ito ay batay sa resulta ng 2020 Global Gender Gap report ng World Economic Forum (WEF) na siyang gumagawa ng pag-aaral sa estado ng gender equality sa 153 mga bansa sa buong mundo.
Lumabas sa 2020 global gender gap report, 71.3% ng mga kababaihan sa Pilipinas ang nakapag-aral sa highschool habang nasa 57% naman sa kolehiyo.
Kumpara ito sa 60.2% mga lalaking filipino na nakapag-enroll sa highschool at mahigit 40% sa college.
Pantay naman ang pagtaya sa bilang ng mga babae at lalaking Filipino na nakapag-aral elementarya na kapwa may 93%.