Magde-deploy pa ang militar ng mas maraming barko sa West Philippine Sea para bantayan ang mga mangingisdang Pilipino.
Sa gitna na rin ito nang bagong batas sa China na nagpapahintulot sa coastguard nitong paputukan ang anumang dayuhang barko na papalaot sa nasabing karagatan.
Tiniyak ni AFP Chief Of Staff Lt. General Cirilito Sobejana ang pagpapaigting sa pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino na bahagi ng kanilang mandato.
Gayunman nilinaw ni Sobejana na walang intensyon ang militar na makipag giyera sa China kundi pangalagaan lamang ang kapakanan ng mga kapwa Pilipino.