Target ngayon ng pamahalaan na pataasin ang bilang ng mga pumapasok na turista sa Pilipinas.
Ito’y sa gitna ng pinalakas na tourist campaign para maitaguyod ang tourist destinations sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kumpiyansa siyang maaabot ng gobyerno ang target nitong makahikayat ng 8.2 milyong turista ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara sa 7.1 milyong turista na naitala noong nakaraang taon.
Samantala, sa mga susunod na linggo ay nakatakdang muling pasinayaan ng Department of Tourism o DOT ang “It’s More Fun in the Philippines” campaign na itataguyod na rin maging ang sustainable tourism sa Pilipinas.