Madaragdagan muli ang mga checkpoints.
Tiniyak ito ni Joint Task Force COVID-19 Shield deputy chief for operations Lt. General Guillermo Eleazar sa pagsailalim sa Metro Manila at mga karatig lalawigan epektibo ngayong araw na ito hanggang August 18.
Ayon kay Eleazar inatasan na niya ang police commanders sa mga nabanggit na lugar para magkasa ng quarantine controlled checkpoints at higpitan pa ang ipinatutupad na seguridad.
Sa ilalim ng MECQ tanging ang mga essential workers at APOR o authorized persons outside of residence lamang ang papayagang lumabas ng kani kanilang tahanan.
Subalit sinabi ni Eleazar na naka depende sa mga lokal na pamahalaan kung magpapatupad pa muli ng quarantine passes. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)