Maaaring mas marami pang magkasakit ng COVID-19 dulot ng Omicron variant kumpara sa mas dominanteng Delta variant.
Ito ang tugon ni National Task Force Against COVID-19 Special Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa sa pahayag ng OCTA Research na posibleng magdulot ng surge ang Omicron sakaling makapasok ito sa bansa.
Gayunman, hindi naman anya gaanong matindi ang epekto ng Omicron kumpara sa Delta.