Isinusulong ng NDRRMC ang mas maraming earthquake drills matapos ang sunud sunod na pagyanig nitong nakalipas na linggo.
Sinabi ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas na kailangang maging bahagi ng sistema ng bawat Pilipino ang mga pagsasanay sa earthquake drill para matiyak ang kanilang kaligtasan sa panahon ng lindol.
Ayon pa kay Posadas, normal ang pagpa panic sa kasagsagan ng lindol subalit dapat maituro ang earthquake drills na maging mahinahon ang mga tao matapos ang ilang sandali ay gawin ang duck, cover and hold at maayos na lumabas mula sa mga establishments.
Ipinagmalaki naman ni Posadas na marami pa rin ang ginawa ng kanilang mga natutunan sa earthquake drills.
Inspirasyon aniya ito dahil nagkaroon ng positibong resulta ang pagsusumikap ng NDRRMC na maitaguyod ang kaalaman ng publiko sa kasagsagan ng lindol.
Sinabi ni Posadas na target ng mga susunod na earthquake drills ang mga bata na batay sa report na natanggap nila ay ginawa talaga ng mga bata ang mga natutunan nila sa mga drill.