Isinusulong ni PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director at Science Undersecretary Renato Solidum ang paglalagay ng mas maraming earthquake simulators sa iba’t ibang lugar.
Ito ayon kay Solidum ay para maging pamilyar ang publiko sa inaasahang scenario kapag niyanig ng isang malakas na lindol.
Sinabi ni Solidum na mas makakatugon ang taumbayan sa mga emergency situation tulad ng lindol kung batid ng mga ito ang banta.
Ipinabatid ni Solidum na ang simulator ay mayroong platform na uubrang tayuan o upuan habang nagkakaroon ng pagyanig at maaaring i-adjust para maramdaman ang iba’t ibang lakas ng lindol.
Ang simulator aniya ay pupuwedeng yumanig ng hanggang intensity 8 o halos kapareho ng lindol na naranasan sa ilang bahagi ng Leyte noong July 6.
By Judith Larino
Mas maraming earthquake simulators iginiit was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882