Mas marami pang empleyado ng Jollibee Foods Corporation ang inaasahang ma-reregular sa trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third, mahigit 10,000 hanggang limampung libo ang inaasahang ma-reregular na empleyado ng jolibee, ang pinaka-malaking fastfood chain sa bansa.
Bingyan anya nila ang J.F.C. ng sampung araw upang i-apela ang desisyon ni DOLE-National Capital Region Director Henry John Jalbuena na i-regular ang mga manggagawa ng Jolibee.
Nilinaw ni Bello na mayroong kapangyarihan ang regional director na mag-issue ng kautusan na kinukwestyon ng pamunuan ng Jolibee.
Magugunitang ipinag-utos ng DOLE-NCR sa naturang fast food giant na i-regular ang mahigit pitong libong empleyado nito sa Metro Manila.