Mas marami pang gulay ang maipadadala ng mga magsasaka mula sa Northern Luzon para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Ayon kay Agot Balanoy ng League of Associations in the La Trinidad Vegetable Trading, nakaipon na sila ng 3,000 kilo ng mga gulay mula sa kanilang mga miyembro.
Sa tulong ng Department of Agriculture sa Cordillera na magpapahiram ng kanilang truck ay maiba-byahe ang naturang mga gulay at inaasahang matatatanggap ng mga biktima sa Linggo.
Una nang nag padala ang mga magsasaka mula sa mountain province ng kilo–kilong mga sayote, carrots, repolyo at iba pa para sa mga residente sa apketadong lugar sa Batangas.