Pinag-aaralan ng pamahalaan na taasan ang minimum na dami ng maaaring iangkat na karneng baboy sa bansa ngayong taon.
Ito ay upang maibsan ang nararanasang kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa bansa bunsod ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tinatayang kukulangin ng 400K metric tons na suplay ng karneng baboy ang bansa ngayong taon.
Paliwanag ni Dar, umaabot sa mahigit 1.6 milyong metric tons ang demand sa karneng baboy gayung nasa 1.3 milyon metric tons lamang ang inaasahang suplay.
Dahil dito, sinabi ni Dar na iminumungkahi ng Minimum Access Volume(MAV) Advisory Council na itaas sa 388,790 metric tons ang MAV ng karneng baboy mula sa kasalukuyang 54,000 metric tons.