Makikipag-usap si Trade Secretary Ramon Lopez sa ilang eksperto para pag-aralan ang ilang pagbabago o adjustment na kailangang gawin para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Lopez na bahagi ng naturang pag-uusap o konsultasyon ay ang mas maluwag na protocols sa ilang mga indoor activities.
Ilan sa mga ito ay ang pagbubukas sa mga gyms, pagtanggap ng mas maraming tao sa malls at iba pang mga establisyimento.
Matapos nito ay agad na dadalhin ni Lopez ang naturang desisyon sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force para pagpasyahan.
Sa huli, tiniyak ni Lopez na anumang lalabas na desisyon ay tiyak na sumusunod sa umiiral na health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).