Kumpiyansa ang pamahalaan na makahihikayat pa ng mas maraming mamumuhunan ang Pilipinas sakaling mailarga na ang ikalawang package ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, tiyak na magbe-benepisyo ang mga kumpaniya sa sandaling maisabatas na ang ikalawang package ng TRAIN dahil bababa ang corporate income tax rate sa 25 mula sa dating 30 porsyento.
Pagtitiyak pa ni Dominguez, magiging transparent, time bound at performance based ang pagbibigay ng insentibo sa mga kumpaniya dahil sa magiging moderno at mas relevant ang pagpapatupad ng nasabing batas.
Giit pa ng kalihim, panahon na para magbago ang investment incentives sa Pilipinas dahil ilang taon na rin aniya itong hindi gumagalaw lalo’t nasa panahon na aniya ngayon ang mundo sa golden age of economic growth.
—-