Mas maraming kaso ang nakatakdang isampa sa Lunes, November 7 ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga taong sangkot sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin kaugnay sa mastermind sa likod ng pagpatay sa mamamahayag na kinilalang si Percival Mabasa sa tunay na buhay.
Ayon kay Remulla, sasampahan din ng dagdag na kaso ang mga suspek sa pagkamatay ni Jun Globa Villamor, isang PDL detainee na itinuturing na middleman sa kaso.
sinabi naman ni Remulla na nakikipag-ugnayan na ang NBI at PNP sa mga kasong isasampa nila sa dalawang kaso ng pagkamatay.
Tiniyak din ng DOJ official na hindi na siya makikialam sa pagsasampa ng kaso.
Ngayong araw nagpatuloy ang preliminary investigation sa kasong murder na inihain ng umaming gunman na si Joel Escorial at tatlo pa nitong kasama.