Mas maraming military support ang natanggap ng Ukraine mula sa Estado Unidos sa kabila ng mga pag-atake ng Russia.
Matatandaang bumisita si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Estados Unidos para kumuha ng karagdagang tulong na maituturing na tagumpay ng kanilang bansa.
Kabilang sa ibinahaging tulong ng us sa Ukraine ang 45 billion dollars na package kasama ng mga bagong missile defense systems bilang pang depensa at para matapatan ang patuloy na pambobomba ng russia na nagresulta ng libu-libong kataong nasawi at maraming pamilya din ang apektado.
Sa pagbisita ni Zelenskyy sa US, nangako din US President Joe Biden na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang suporta upang mas mapalakas pa ang air defense ng Ukraine.