Bumaba ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa ikalawang quarter ngayong taon.
Batay sa Social Weather Stations o SWS survey noong June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents, tinaya sa 2.2 million ang pamilyang nakaranas ng gutom noong Abril hanggang Hunyo.
Kumpara ito sa 2.3 million families noong unang quarter o simula Enero hanggang Marso.
Naitala naman ang pinakamataas na hunger rate sa Metro Manila na umabot sa 13 percent noong Hunyo kumpara sa 6 percent sa kaparehong panahon noong unang quarter at sa Mindanao, 11.3 percent noong Hunyo kumpara sa 7.3 percent noong Marso.
Bumaba naman ang quarterly hunger sa Luzon ng 7.3 percent noong Hunyo kumpara sa 11.0 percent noong Marso at 9.3 percent sa Visayas mula sa dating 13 percent.
—-