Dumami ang pamilyang pilipino na nakaranas ng gutom at walang makain sa ikatlong quarter ng 2024.
Batay sa survey ng Social Weather Stations, 22.9% ng pamilyang Pilipino ang nakaramdam ng “Involuntary hunger,” Sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 17.6% noong hunyo, at ito rin ang pinakamataas na hunger rate mula September 2020, na umabot sa 30.7 percent.
Sa 22.9% hunger rate, 16.8% ng mga pamilya ang nakaranas ng moderate hunger o nakaranas nang isa o ilang beses na gutom, habang 6.1% naman ang nakaranas ng severe hunger o madalas o laging nakararanas ng gutom.
Pinakamaraming nakaranas ng gutom sa Mindanao, na umabot sa 30.7%; sinundan ng Visayas, 26%; Metro Manila, 21.7%; at Balance Luzon, 18.1%.