Asahan na ang paglala ng sitwasyon sa mga terminal ng bus sa Metro Manila ngayong araw.
Ito ay dahil sa ngayong araw inaasahang bubuhos sa mga terminal ng bus ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya upang makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya.
Ayon sa report, mula pa noong Sabado, aabot na sa 9,000 pasahero na ang bumibiyahe araw-araw.
Kaugnay nito, nagdagdag na ng karagdagang 700 special permit para sa mga bus ang LTFRB upang punan ang inaasahang bulto ng mga magsisipag-uwi sa probinsya.
Samantala, suspendido na rin ang number coding sa mga provincial bus ngayong araw maging sa Disyembre 29.
By Ralph Obina