Gusto na lamang ng karamihan sa mga Pinay ang live-in arrangements sa halip na magpakasal.
Ito’y batay sa pag-aaral ng Commission on Population and Development kung saan may naitalang pagtaas sa bilang ng mga Filipino women edad 15 years old hanggang 49 years old na naninirahan sa iisang bahay kasama ang kanilang mga partner kahit hindi sila kasal.
Pumalo sa 19% nuong 2022 ang bilang ng mga babaeng nakikipag-live in, mas mataas ito kumpara nuong 1994 na may 5% lamang.
Samantalang ayon naman sa 2021 young adult fertility and sexuality survey, 20% mula sa dalawampung milyong kabataang edad 15 hanggang 24 years old ay nakikipag-live in sa kanilang mga partner. – Sa panualt ni Alyssa Quevedo