Mas maraming Pilipino na o anim sa bawat sampung mamamayan ang handang magpabakuna kontra COVID-19, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang face-to-face interviews ng SWS sa 1,500 adults noong Setyembre 27 hanggang 30, nasa 64% ng respondents ang handang magpabakuna kumpara sa 55% noong Hunyo.
Nasa 19% naman ang hindi sigurado kung magpapabakuna habang ang nalalabing 18% ay ayaw magpabakuna.
Sa mga handang magpabakuna, 25% ang fully vaccinated na habang 10% ang nagturukan na ng kanilang first dose.
Batay naman sa datos ng National Task Force Against COVID-19, aabot na sa 28.7 million ang fully vaccinated o katumbas ng 37.23% ng 110 million population ng bansa. —sa panulat ni Drew Nacino