Apat (4) sa bawat sampung (10) Pilipino ang hindi kumbinsido sa magandandang intesnyon ng China sa Pilipinas.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations o SWS, lumilitaw na apatnapu’t apat (440 na porsyento ng mga Pinoy ang hindi naniniwalang para sa kabutihan ng mga Pilipino ang nais ng China.
Tanging nasa dalawampu’t pitong (27) porsyento lamang ang naniniwala habang dalawampu’t siyam (29) na porsyento ang undecided.
Ginawa ang naturang survey noong Disyembre 16 hanggang 19 noong nakaraang taon sa may isanlibo apatnaraan at apatnapung (1,440) respondents.
Lumabas ang naturang survey sa harap ng napaulat na daan-daang Chinese vessel na nakapaligid sa Pag-asa Island at dredging vessel na inirereklamo naman ng mga taga-Lobo, Batangas.
—-