Mas maraming Pilipino ang optimistic o tiwalang gaganda ang kalidad ng kanilang personal na buhay gayundin ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations o SWS, 47 porsyento ng mga Pilipino ang umaasang magkakaroon ng magandang buhay sa buong 2018 kumpara sa apat na porsyento lamang na umaasang hindi magiging maganda ang kanilang 2018.
Sinabi ng SWS na ang naitala sa positive 42 ang net personal optimism at kinukunsider na “excellent” na siyang naitala simula pa noong December 2015.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula September 23 hanggang 27 gamit ang face to face interviews sa 1,500 respondents sa buong bansa.
—-