Mas maraming Pilipino ang nananatiling optimistiko sa buhay at maging sa ekonomiya ngayong 2017.
Batay sa December survey ng SWS o Social Weather Stations, lumalabas na 37 percent ang nasabing gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 21 percent ang naniniwalang ito ay sasama.
Samantala, 48 percent ng mga respondent ang nagsabing inaasahan nilang bubuti ang kalidad ng kanilang personal sa susunod na 12 buwan; tatlong (3) porsyento ang nagsabing lulubha ang kanilang buhay; na nagresulta sa positive 45 net personal optimism score.
Ayon sa SWS, nasa positive 40 pataas ang net personal optimism sa nakalipas na limang quarter.
B7 Meann Tanbio