Target ng Commission on Elections (COMELEC) na mapataas ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa para bumoto sa May 2016 Presidential elections.
Ayon kay Chairman Andres Bautista, umaasa silang papalo sa kalahating milyong mga Pilipino sa ibayong dagat ang hindi lamang magpaparehistro kundi talagang boboto.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa kauna-unahang pagkakataon ay pumalo ng higit 1 milyon ang nagpatala para sa overseas absentee voting para sa susunod na taon.
Malayo ito sa higit 700,000 mga nagparehistro noong 2013 midterm elections at higit sa kalahating milyon naman noong 2010 presidential elections.
By Rianne Briones