Pinalawak pa ng DTI o Department of Trade and Industry ang listahan ng ng mga produktong sakop ng SRP o Suggested Retail Price.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa 209 na produkto na ang sakop ng SRP mula sa dating 145 produkto.
Kabilang sa mga ito ay mga produktong de lata gaya ng luncheon meat, meat loaf, corned beef at sardinas gayundin ang suka, toyo, patis, sabon, kandila, baterya, bottled water, powdered milk, gatas at kape.
Nangako naman ang DTI na patuloy ang kanilang pag monitor sa mga tindahan para matiyak na walang mananamantala na mga negosyante at hindi sisirit ang presyo ng ilang mga produkto.