Nananatiling COVID-19 Delta variant free ang buong hanay ng Philippine National Police o PNP.
Ito’y ayon kay Adminstrative Support to COVID-19 Operations Task Force o ASCOTF Commander at Deputy Chief PNP for Administration P/Lt.Gen. Joselito Vera Cruz.
Ayon kay Vera Cruz, dahil sa banta ng Delta variant ay marami na sa mga pulis ang nakumbinsing magpabakuna upang hindi tamaan ng mas nakahahawang virus.
Batay sa datos ng PNP, nasa 16.71 % o katumbas ng 36,504 na mga pulis ang fully vaccinated na laban sa virus habang nasa 49,220 o 22.53% naman ng mga pulis ang nakatanggap na ng unang dose.
Dahil diyan, may 14,555 o 6.66% nalang ng mga pulis ang tumatanggi pa ring magpabakuna bunsod ng iba’t ibang kadahilanan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)