Mas maraming Russian tourists ang inaasahang bibisita sa Pilipinas matapos ang tagumpay na partisipasyon ng Department of Tourism sa travel and tourism fair sa Moscow, Russia.
Isinagawa ang Moscow International Travel and Tourism o MITT exhibition noong March 14 hanggang 16 na nilahukan ng DOT maging ng mga Filipino Travel and Tour Executive alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Russia.
Ang MITT ay isa sa pangunahing travel exhibitions sa mundo na mayroong 1600 exhibitors mula sa 182 bansa.
Bukod sa nabanggit na aktibidad, nagsagawa rin ang kagawaran ng Tourism Selling Mission noong March 17 sa St. Petersburg, ang ikalawang pinaka-malaking lungsod sa Russia upang makahimok ng mga turista na bumisita sa Pilipinas.
Kabilang sa mga pangunahing tourist attraction sa Pilipinas ang Palawan at Boracay maging ang Davao at Siargao.
By: Drew Nacino