Tiwala si House Committee on Justice Congressman Rey Umali na mas marami ang susuporta sa panukalang pagbuhay sa parusang bitay ngayong nilimitahan na lang ito sa mga kasong may kaugnay sa iligal na droga.
Ito ay matapos tanggalin sa ginawang caucus kahapon sa mga mahahatulan ng bitay ang kasong rape, treason at plunder.
Binigyang diin ni Umali na noon pa man ay nais niyang buhayin ang parusang bitay para lamang sa mga kasong mayroong kaugnayan sa iligal na droga.
Ang panukalang pagbuhay sa death penalty ay nakatakdang pagbotohan sa Kamara, bukas, Marso 1.
“Hindi naman kami nagco-conduct ng numbers but tinitignan lang namin ang consensus talaga, we’re seeing a bigger consensus now, dati may consensus may majority sa tingin namin, wala pa naman kaming head count pero ngayon dahil lumuwag pa nga mas nakikita natin na ma-aachieve natin ang greater consensus.” Pahayag ni Umali.
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas (Interview)