Umapela sa gobyerno ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na buksan sa mas maraming suppliers ang bidding process para sa pagbili ng mga Vote-Counting Machine (VCM).
Ito, ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, ay matapos ang mga aberya sa iba’t ibang polling precincts noong May 9 elections.
Sa pamamagitan din nito, maraming pagpipilian ang gobyerno na VCM supplier lalo’t mayroon anyang limitasyon sa batas ang pagbili ng mga nasabing makina.
Ang mga ginamit na VCM noong halalan ay ini-refurbish lamang matapos hindi mabigyan ng sapat na pondo para bumili ng mga bagong makina.