Inihayag ni Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun na plano niyang magsagawa ng marami pang test sa labi ng inmate ng New Bilibid Prison na umano’y middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Ayon kay Fortun, preliminary lamang ang test na isinagawa kay Cristito Villamor Palaña kung saan base sa resulta ay may history of asphyxia by plastic bag suffocation ito.
Nakitaan din ng mga bakas ng methamphetamine o shabu ang urine sample ng nasabing “middleman.”
Noong Sabado, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa kustodiya na nila ang pitong indibidwal na nagsabing hindi aksidente kundi planado ang pagkamatay ni Villamor.