Pinag-aaralan ng Pilipinas ang pagpapadala ng mas maraming manggagawa sa Saudi Arabia para mapaunlad ang sektor ng turismo nito.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT), matapos makipagpulong si Tourism secretary Christina Garcia Frasco sa kaniyang Saudi counterpart na si Princess Haifa Al Saud, Vice Minister of Tourism sa ginanap na 22nd World Travel and Tourism Council (WTTC) Global Summit sa Riyadh.
Ayon sa DOT, napagkasunduan ng dalawang opisyal na gawing pormal ang ugnayan kung saan gagabayan ng Saudi Arabia ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga tour guide na nagsasalita ng Arabic, sa mga tuntunin ng pagbuo ng Halal at pilgrimage tourism portfolios, pagtaas ng mga direktang flight, at paglikha ng direktoryo ng mamumuhunan.
Gagantihan naman ito ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng hospitality at human capital development sa tourism frontline ng nasabing bansa.
Matatandaang noong Nobyembre, unang sinabi ng Saudi na sasagutin nila ang hindi nabayarang sahod ng sampung libong OFWS na nawalan ng trabaho noong 2015 at 2016.