Asahan na ang mas maraming trabaho sa bansa ngayong taon bunsod ng pagpapalawak ng work force ng karamihan sa mga kumpanya.
Batay sa survey ng online job portal na Jobstreet noong Enero, 95 percent ng halos 300 kumpanyang nakarehistro sa kanilang website ang mag-ha-hire ng mga bagong empleyado ngayong taon.
Naniniwala ang Jobstreet na mas positibo ngayon ang mga kumpanya sa kanilang hiring prospect ngayong taon dahil sa K-to-12 program at panibagong batch ng mga college graduate.
Sa kasalukuyan ay halos 90,000 ang job vacancies ng Jobstreet sa kanilang website.
Kabilang pa rin sa mga nangunguna ang business process outsourcing, retail at manufacturing sector sa mga industriyang may pinakamaraming trabaho.
—-