Asahan na mas dadami pa ang malilikhang trabaho para sa mga Pilipino matapos ang naging pangako ng China sa Pilipinas.
Kasunod ito ng investment pledges na nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang naging state visit nito sa Beijing, China kamakailan.
Ayon sa Presidential Communications Office (OPS) naging matagumpay ang pakikipagkausap ng Pangulo sa China na magreresulta ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Kabilang umano sa ipinangakong investment ng China ay sinimulan na kabilang na dito ang pagtatayo at pagbubukas ng mga opisina; maging ang pagproseso ng mga business permit para sa pagsisimula ng pamumuhunan ng mga dayuhan sa lahat ng sektor sa bansa.
Matatandaang umabot sa halos $23B na investment pledges ang naiuwi ni PBBM sa bansa sa tulong na rin ng Chinese Business Leaders.