Muling nagbabala ng masikip na daloy ng trapiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang kalsada sa Quezon City.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ito’y bunsod ng isasagawang road works simula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa Disyembre 7.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang EDSA (southbound), Aurora Boulevard, P. Tuazon Street, Service Road, New York Street at K-10 Street.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na umiwas sa mga naturang kalsada at dumaan na lang muna sa mga alternatibong ruta.
By Jelbert Perdez