Inirekomenda ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na itaas ang kasalukuyang 7,500 deployment cap ng mga healthcare workers dahil sa tumataas na supply ng mga nurse at lumuluwag na COVID-19 protocols sa ibang bansa.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, mahigit 2,000 na ang mga nurse na naipadala sa ibayong dagat mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ito’y dahil ang Professional Regulation Commission ay nakapag-administer na ng Nursing Licensure Examination noong isang taon at ngayong taon ay may dagdag ng registered nurses.
Maaari anya nilang hilingin sa technical group at Inter-Agency Task Force na i-angat ang deployment cap na 7,500 lalo’t tiyak na tataas pa ito sa katapusan ng taon.