Inaasahan na ng Department of Finance (DOF) ang pagsipa ng inflation rate dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa DOF, posibleng manatili sa 6.4 percent na inflation rate para sa buwan ng Setyembre.
Batay sa economic bulletin ng DOF, inaasahang posibleng pumalo sa 9.28 percent ang food inflation ngayong mula sa 8.48 percent nuong Agosto.
Samantala, nananatiling isa mga dahilan ng pagbilis ng inflation ang pagtaas ng presyo ng bigas na inaasahang aabot sa 10 porsyento ngayong buwan mula sa pitong porsyento.