Epektibo na ngayong buwan ang mas mataas na kontribusyon sa Social Security System.
Ayon sa SSS, ito’y alinsunod sa social security act of 2018 na nilagdaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, nasa 15% na ang monthly contribution rate ng mga miyembro na nasa pribadong sektor.
Saklaw nito ang mga business employer at kanilang empleyado, household employer at mga kasambahay, gayundin ang mga self-employed, voluntary at mga land-based OFW members.