Nangako ng dagdag na kompensasyon para sa mga pampublikong guro ang tambalang Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Alan Peter Cayetano.
Ayon sa dalawa, balak nilang bihisan ang panukalang Salary Standardization Law sakaling palarin sa eleksyon 2016.
Bukod pa rito, maglalaaan din sila ng dagdag na P10,000 kompensasyon sa mga guro.
Tinawag rin ni Cayetano na inconsiderate at negligible ang pondo para sa mga public school teachers dahil nagtakda lamang ito ng mahigit sa P2,000 pagtaas sa sweldo.
Batay sa Salary Standardization Law, mahigit sa 19,000 ang ipatutupad na umento sa sweldo sa susunod na taon na magtataas pa hanggang sa sumapit ang taong 2019.
By: Allan Francisco