Inaprubahan na ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ang hiling na itaas ang sickness benefits para sa cash assistance ng mga manggagawang magkakasakit gaya ng COVID-19.
Mula sa 480 pesos kada araw sa sickness benefits at 10,000 pesos na cash assistance ay itinaas na sa 600 pesos kada araw ang sickness benefits at 30,000 pesos naman ang magiging cash assistance na puwedeng apply-an ng mga manggagawang miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon kay ECC executive director Stella Banawis, nai-submit na nila sa Malacañang ang naturang hiling at hinihintay na lamang ang pag-increase.
Sakop din nito ang medical reimbursement o death pension na kaagad na makukuha sa SSS o GSIS at hindi na kailangan i-apply pa sa ECC.
Sa ngayon, suspendido parin ang pag-iisyu ng tseke sa mga aplikasyon dahil maraming mga empleyado ng komisyon ang tinamaan ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero