Asahan na ang mas mataas na singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) sa Pebrero.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, dulot ito ng pagbabalik sa normal ng singilan ng mga planta ng kuryente na nagsu-supply sa Meralco dahil wala na ang tinatawag na outage allowance.
Posibleng singkwenta sentimos (P0.50) pataas ang magiging dagdag singil pero maaari pa itong magbago.
Samantala, sasalubong naman ang piso (P1.00) hanggang P1.50 na tinatayang dagdag presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Pebrero dahil sa pagmahal ng contract price nito sa pan-daigdigang merkado.
—-