Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na itinaas na sa pinakabagong Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng 67 Basic Necessities and prime commodities (BNPC) sa bulletin.
Ayon sa ahensya, nagkaroon ng 3.29 hanggang 10% na pagtaas sa mga srp bunsod ng pagtaas sa presyo ng raw materials, packaging at iba pang gastusin.
Kabilang sa mga tumaas ang presyo ang de-latang sardinas, kape, noodles, detergent soap, bottled water, kandila, processed canned goods parti na rin ang presyo ng condiments.
Samantala, binigyang-diin DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, na regular na mino-monitor ng DTI ang presyo at paggalaw ng raw materials ng mga nabanggit na BNPC.