Asahan na ang mas mataas na Social Security System contribution sa oras na maging epektibo simula sa Biyernes, Pebrero 8 ang SSS Reform Bill.
Enero 8 isinumite sa Malakanyang upang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang bill na priority legislation ng Duterte administration.
Alinsunod sa konstitusyon, ang mga panukalang batas na isinusumite sa Palasyo ay otomatikong magiging epektibo kung hindi inaprubahan o i-veto ng pangulo sa loob ng 30 araw matapos ang transmittal.
Bagaman hindi pa naglalabas ang SSS ng kopya ng enrolled bill upang lagdaan ng punong ehekutibo, nakasaad sa original bills na inaprubahan ng Kongreso ang unti-unting pagtaas ng membership contributions mula 11 percent patungong 15 percent hanggang sa taong 2025.