Tuloy na ang mas mataas na buwanang kontribusyon sa SSS o Social Security System ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Ayon kay SSS President at CEO Emmanuel Dooc, Mayo pa ito dapat ipinatupad subalit nagpasya silang isabay na lamang ito sa sandaling maging batas na at naipatupad na ang tax reform package ng pamahalaan kung saan inaasahang tataas ang take home pay ng mga empleyado.
1.5 percent ang planong idagdag ng SSS sa buwanang kontribusyon.
Ibig sabihin, ang mga sumasahod ng P10,000 kada buwan ay kailangang magbayad ng dagdag na P150 samantalang P240 pesos naman sa mga sumusuweldo ng P16,000.
Two thirds ng SSS contribution ang sinasagot ng employer samantalang one third naman ang kinakaltas sa suweldo ng manggagawa.
—-