Isinusulong ngayon ng Makabayan Bloc sa Kamara ang dalawang panukalang batas na magtataas sa suweldo ng mga manggagawa sa pamahalaan.
Layon nitong makahabol ang mga kawani ng gubyerno sa iba pang bahagi ng burukrasya matapos doblehin ng Malakaniyang ang suweldo ng mga sundalo, pulis at iba pang mga nasa unipormadong hanay.
Sa ilalim ng inihaing House Bill 7196, gagawin na nilang 30,000 Piso ang minimum na suweldo para sa mga nurses na maglilingkod sa pamahalaan at ang House Bill 7186 na nagtatakda ng 16,000 Pisong minimum wage sa mga kawani ng pamahalaan.
Kasunod nito, umapela ng suporta ang Makabayan Bloc sa kanilang mga kapwa mambabatas na sumuporta sa inihain nilang mga panuklalang batas bilang isang tulong na rin para sa mga masisipag, dedikado at mga mahuhusay na manggagawa ng gubyerno.
DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio