Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas mataas na turn-out para sa overseas voting ngayong taon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, ito ay dahil naging interesado noong unang araw ng botohan ang mga nasabing botante.
Batay sa datos ng ahensya, nasa 1.7 million Filipinos ang naninirahan sa abroad na naka-rehistro sa 2022 Polls.
Samantala, nalampasan na ng COMELEC ang kasalukuyang bilang ng mga botanteng bumoto ang kanilang target na mahigit 30%.